Hoping love


 I never heard a girl as beauty as you are

So lovely and kind with a fruitful mind

A good attitude and a good heart

That is what I like you most

 

Your lips is so soft to speak

That gives me strength when I was weak

Eliminating all worries in my life

And guiding me in a better life

 

So glad to see your face in my dreams

Like a beautiful angel at my side

Guarding me in my entire night

And taking away my fear in mysterious night

 

I’m wondering that somehow someday

You feel the love, the love that comes from your heart

And it is my pleasure to be your one of a kind

A man you will love in a lifetime

 

Hoping to see you again some other time

To see the love for you that I have found

And to feel my love for you

That comes from the bottom of my heart

      ...........................................................................................

TUNAY AT WAGAS NA PAGMAMAHAL

 Simula ng tayo ay magkasama

Puso ko kaw lang ang nadarama

Kahit pag-iisip ko’y iyong nadala

Sa tila pag-ibig ko sayo’y di na malalanta

 Sa tuwing tayo ay magkikita

Ako ay laging natataranta

Dahil di ko malaman

Ang kaligayahan sa aking puso’y nararamdaman.

 Sa tuwing ako’y dumadalangin

Ikaw ang laging hinihiling

Na sana habang buhay ka ng makipiling

Sa mundong ito tila’y pagsubok ay kusang dumarating.

 Kaya’t kahit ano man ang mangyari

Magkalayo man tayo sa isa’t isa

Manalig ka sana

Dahil sa aking puso’y tunay at wagas na minamahal kita sinta

......................................................................................................................................

 LUBOS NA PAGMAMAHALAN

 

Di ko man maipakita


Na sayo’y aking tunay na nararamdaman

Ay wag mag-aalinlanganan

Na sa puso ko’y siyang tunay

At walang hihigit kanino man.

 

Kaya ako’y nagpapasalamat


Sa ating puong maykapal

Na ikaw sa aki’y binigay

Na nagmamahal at nag-aarugang tunay.

 

Akin pa ring idinadalangin

Sana wag kang magsawa sa

pagmamahal at pag-iingat mo sa akin.


Dahil ito ang lagi kong binibilin

Sa lahat ng aking mga panalangin.

 

Kahit dumating man ang araw

Na tayo ay malayo na naman.

Wag ka sanang magdaramdam

Dahil isa ito sa mga pagsubok lamang


Na kailangan nating mapagtagumpayan.

Dahil ito ay parte ng mundong ating ginagalawan.

............................................................................................ 

Pangakong Magpakailanman

Puso ko man ay may lumbay


Sa muli naming pagkakahiwalay

Ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa

Na kami ay muling magkita at magkasama

Ibig ko sanang malaman niya


Na pintig ng puso ko ay kanyang kanya

At kahit malayo ka man sa piling ko

Pagmamahal ko ay iyong iyo



Sa lahat ng diyos na sa akiý ibinigay


Ay ikaw ang nagbigay ng kulay sa aking buhay

At nagpadama sa akin ng tunay

Ang  tunay na kaligayahan sa aking buhay

Kayat kailan man ay di mapapawi


Ang puso kong itong di makatanggi

Na sa bawat segondong pagtibok

Ay ikaw ang laging naitatampok

Magpakailanman aking mahal


Ikaw lamang ang nag-iisa kong mahal

Maging sa kahuli-hulihan man ng aking buhay

Ikaw lamang  ang  mamahalin kong tunay

........................................................................................................................

Pusong Lito

Lumayo ka ng walang paalam
Iniwan mong walang kadahilanan
Di mo isinaalang alang man lamang
Damdamin ko'y marunong ding masaktan

Bumalik ka ng walang pakundangan
Paliwanag na walang katuturan
Pagkat ika'y nais muling makamtan
Tinanggap ng walang pag-aalinlangan

Pagtanggap ba sayo ay mali?
Pagkat di daw tayo magka-uri
Kay hirap naman oh aking sinta
itong aking nadarama

Bumuo ng pangarap
Mga planong ka'y sarap
Kay sarap damhin
Lalo't magkasama pa man din

Ngunit may hantungan din pala ito
Binuong pangarap ay biglang naglaho
Lumayo ka ulit ako'y iniwan mo
Iniwang muli ang pusong lito

..............................................................................................

 ANG TUNAY NA SA DIYOS

 

Lahat ng bagay ay may hangganan

Dito sa mundong ating kinalakhan

Kaya wag nating lubos na pagtalagahan

Ang mga bagay na pawang mawawala lamang

Sa pagdating ng ating kamatayan

 

Sa ating pamumuhay dito sa mundo

Maging mapanaliksik tayo

Sa mga aral ng diyos na sa atin ay ibinigay

Na nakapaloob sa banal na kasulatan

Upang ang pangakong buhay na walang hanggan

Ay ating mataglay at makamtam

 

Maging matalino tayo sa pagsasaliksik

Sa mga aral at katotohanan na dapat nating malaman

Huwag nating sarhan ang pintuan ng puso at kaisipan

Sapagkat ito ay biyayang galing sa diyos na sa atin ay ibingay

Ng sa ganun ating matagpuan

Ang tunay at sa diyos ang pananampalataya

 

Kaya bilang isang alipin ng diyos

Siya ay sampalatayanan at pagtalagahan nating lubos

Upang tayo ay ariin ng lubos

At mapasama tayo sa pangakong kaligtasan

Sa araw ng paghuhukom

 

      ..................................................................................................

THE LOVE THAT WE LEARN

December 31, 2009@ 1:00am

 

Since the day that we meet

Our life is so delighted

Coz this is the time we started

To loved and to be loved each other

 

In every step that we made

In every road that we walked

We learn to fight the truth

The true meaning of love

 

In our love that full of strength

There is no other one who can lost our faith

Whatever trials that it may come

We stand to the love that we found

 

So I thankful to the god that hold us tight

To reached what we are now

And the love that we shared its other

To fulfil this destiny

 

Even though our love is full of trials

And full of heartaches and pain

Forever it will be the same

The love that we’ve learned

 ............................................................................................

Pangarap koy Ikaw


Minsan ako ay nangarap

ikaw at ako ay maging ganap

Magsing irog na walang katulad

Sana nga pangarap koy matupad


Ilang taon din ang lumipas

Pangarap na ikaw ay pinalampas

Pagkat mahirap abutin ng isang hamak

Ang tulad mong langit ang tinatahak


Pinilit limutinang isang tulad mo

Ngunit di ka maalis sa isip ko

Ibinaling sa iba ang damdaming ito

Ngunit sadyang ikaw ang itinuturo nito


Lumipas pa ang panahon

Marami ng dumaan na kahapon

Iba na ang mundong ating ginagalawan

Iba na rin tinatahak ng ating damdamin


Hindi sinasadya tayoý muling magtagpo

Sa ibang mundo mo at ibang mundo ko

Ngunit nagpahayag ka ng damdamin mo

At tinanggap ko ito ng buong puso


Ngayon ngaý tayo nang dalawa

Para ngang langit ang aking nadarama

Ganito pala ang tunay na pagsinta

Puno ng saya at wala na ngang duda


Ngunit hanggang saan nga ba?

Pag-iibigan nating dalawa

Tiwala sa isa't isa,sapat na nga ba?

Gayung magkalayo ang ating pagsinta

................................................................................................

 WALANG HANGGANG PAG-IBIG

 

Simula ng tayo ay unang magkita

Ako ay napaibig mo na sinta

Sa di ko malaman ang dahilan

Sa tibok ng puso ko’y wala na atang pag-aalinlangan

 

Araw araw kong inaalala

Kung pano ko maipapakita

Ang tunay kong nadarama

Sa puso kong walang humpa’y na nagsasabi

Ikaw na nga at wala ng iba.

 Sa pagdating ng aking inaasam

Hindi ko alam kong bakit di ko maipaalam

Ang wagas na pag-ibig

Na sayo’y aking nararamdaman.

 Lubos ang aking pagsisisi

Sa nagawa kong pagkakamali

Ang di ko maipaalam

Ang aking tunay na nararamdaman

Sa kahuli’t hulihan

Ako ay naging luhaan

Sapagka’t aking nalaman

Puso niya’y meron ng ibang nilalaman

Akin pa ring inaasam

Na sana balang araw ay maramdaman

Ang pag-ibig ko sa kanya na walang hanggan

At di maipagpapalit kanino man.

Isang araw aking nalaman

Puso niya’y malaya na naman

Kaya ako’y naligayahan

Sapagka’t ako ay napagbigyan

Sa aking mga kahilingan

Na aking maipadama,

ang walang hanggang pag-ibig ko sa kanya.

  

       .................................................................................................

ANG KALAYUAN AY DI HADLANG SA TUNAY NA PAGMAMAHALAN

 

Nandito ako, Nariyan ka

Pero kahit nasaan ka man

Alam kong ang kalayuan

Ay di ito sukatan

Upang mahadlangan

Ang ating tunay na pagmamahalan.

 


 Kahit anong kalamidad man ang dumating

Bagyo man o lindol man yan

Nais ko sanang  iyong malaman

Puso ko kaw pa rin ang nilalaman.

 Manalig ka sana aking mahal

Walang sino man ang makapagbabawal

Sa pintig nitong aking puso

Na sayo’y aking inaalay.

 Kaya’t ito lamang aking maipangangako

Tibok ng puso ko’y di nagbibiro

Kahit tayo man ay malayo

Pag-ibig ko sayo’y di lalayo

at di maglalaho.

          ...............................................................................................................................

 Pagmamahal na walang hanggan

 

Sa matagal nating di magkasama

Ay di pa rin tayo nawalan ng pag-asa

Na tayo ay muling magkita

At magkasama na sa tuwi- tuwina


Ngayon ay alam na alam ko na


Na ikaw na nga at wala ng iba

Ang bigay sa akin ng ama na sa atin na lumikha

Ang babae na sa akin ay nakatalaga


Kaya aking inaabot ang iyong kamay


At sana kusa na sa akin iyong ibigay

Upang makamtan ko ng tunay

Ang matagal ko ng hinihintay


Wag ka na sanang mag-alinlangan


Na ako ay pakasalan

Dahil kahit buhay ko ay kaya kung ibigay

Maipamalas lamang ang pagmamahal sa iyong tunay


`

Ipinangangako ko sayo at sa maykapal


Na sa atin ay walang makakapagpahiwalay

Maging ang maraming pagsubok man sa ating buhay

At sa hangganan man nitong ating buhay

.........................................................................................

 

SA TAONG DARATING

December 31, 2009@ 12:30am

 

Sana sa bagong taong ito

Amin na ngang matamo

Ang hinahangad naming matagal ng inaasam

Ang habang buhay ng magkasama

Ng matamo na ang kaligayahan sa tuwi-tuwina

 

Sa limang taong aming pagmamahalan

Ay marami ang aming naging karanasan

At maraming pagsubok na sa amiý nagdaan

Subalit amin itong napagtagumpayan

 

Kung iisa isahin ang pagsubok na sa amin ay dumaan

Ay hindi ito kayang bilangin ng kahit sino man

Ngunit ito man ay hindi naging dahilan

Upang kami ay magkahiway at manghina ng tuluyan

 

Kaya sa taong itong darating

Akin nawang hinihiling

Sa diyos amang naglalang sa atin

Ang pagmamahalan namin mas lalo pang numingning

At tumatag pa na tulad ng aming mga panalangin

 ......................................................................................

 Tunay na Pagmamahal

September 11, 2004


Ilang taon din ang lumipas

Ilang hirap at pagtitiis din aking naranasan

Ilang taon rin akong nangarap

Upang aking iparamdam

itong aking pusong pilit mong binubuksan


Ngayon ay aking nalaman

Puso koy tunay ikay nilalaman

Kaya loob koy aking nilakasan

Na ang matagal ko ng inaasam

Ay akin ng makamtan


At ngayon ikay akin ng irog

Pag-ibig ko sayoy di lulubog

Kaya itoy lagi mong pakatandaan

Pagmamahal ko sayoy aking ipaglalaban


Kung alam mo lamang

Ang aking nararamdaman

Sa tuwing ikay lumilisan

Parang mundo ko ay magugunaw ng lubusan


Pero anuman ang aking kinalalagyan

Nariyan ka,narito ako

Kahit nasaan ka man ay hindi ito hadlang

Sa ating tunay na pagmamahalan.

.......................................................................................

 Pagsubok sa tatag ng pagsasama


Sa tuwing tayo ay magkasama

Nawawala ang aking pangamba

Dahil aking nalalaman na

ika'y nandiyan sa akin na laging umaalalay

at gumagabay sa aking tunay.


Maging sa lahat ng oras man ng aking buhay

Sana ay wag na tayong magkahiwalay

Sapagkat ako'y magiging matamlay

At parang wala ng silbi ang aking buhay.


Kung ako sana ang may hawak nitong ating buhay

Hindi ko na mapagbibigyan na tayo ay magkahiwalay

Upang mamuhay na tayo ng matiwasay

At may patutunguhan na ang ating buhay.


Kahit anuman ang ibinigay

Na kapalaran sa atin ng poong maykapal

Ay wag nating pagsisihan at wag nating ipag-alala

sapagkat lahat ay kaya nating madala

sa pagtutulungan nating dalawa.


Anumang bigat sa pamumuhay ating masagupa

Wag ka sanang mangamba oh aking sinta

Dahil hindi ito isang sumpa

at hindi ito ikakatumba

Sa tatag ng ating pagsasama.


.....................................................................................


 
Make a Free Website with Yola.