"ANG AMING KASAYSAYAN"

Year 1996, Nagsimula silang magkakilala nong maging magkaklase sa isang section sa high school. Nasa 2nd year pa lamang sila ni Nald at Wheng non. Sa loob ng klase ay tintukso na sila ng mga kaklase nila na sila daw ay bagay sa isa’t isa at magkakatuluyan daw ito. Pero dedma lang yong itong dalawa. Si Nald noon ay may pagtingin na rin kay Wheng ng mga araw na iyon. Pero di pa rin niya ito niligawan kasi ang talagang konsentrasyon niya ay ang kanyang pag-aaral. Kaya kahit anong ginagawa ng kanilang mga kaklase para mapalapit sila ni Wheng ay hindi niya ito pinapansin. Hanggang sa umabot na sila ng ika-apat na baiting sa high school yon pa rin ang pananaw ni ng dalawa ang tutukan muna ang kanilang pag-aaral.
Year 1999, Nang natapos na nga ang mga ito sa kanilang pag-aaral sa high school.Yon na ang matagal na di na nila pagkikita. Bagama’t magka pareho ang kanilang pinapasukan paaralan sa kolehiyo ay hindi pa rin sila nagkikita dahil sa magkaiba ang kanilang kurso na kinuha. At bukod ditto ay magkalayo pa ang kanilang gusali sa loob ng paaralan. Ang kinuhang kurso ni Nald ay pagka-enhinyero at si Wheng naman ay pagka-teacher. Dahil nga sa wala na itong komunikasyon at hindi na rin ito nagkakatagpo ay nagkaroon ito ng kanya kanyang kasintahan pero ito rin ay di nagtagal. Ito ay nagkatagpo lamang noon ng inimbitahan ni Wheng sa kanyang kaarawan ng kapanganakan si Nald na ginawa sa kanilang inuupahang bahay na malapit sa paaralan na kanilang pinapasukan. Ito naman ay bukas loob na pinaunlakan ni Nald. At ito na nga ang muli nilang pagkikita at pag-uusap. Pero, hindi pa ito ang tuloy tuloy na pagkakatagpo nila, dahil sa sila pa rin ay hindi na muli nagkatagpo simula ng pakatapos ng kaarawan ni Wheng. Hanggang si Wheng ay makapagtaos ng kolehiyo.
Year 2003, Nang si Wheng ay nakapagtapos sa kolehiyo. Ito ay tumungo kaagad sa Laguna para maghanap ng trabaho.Si Nald naman na nasa 4th year pa lamang sa college ay patuloy sa kanyang pag-aaral sa kanyang kinuhang kurso. Itong taon din na ito nong magsimulang manligaw si Nald kay Wheng. Sa pamamagitan ng kanilang kaklase sa kolehiyo. Unang nakuha ni Wheng ang telepono ni Nald kay Polin na ito ay kasintahan din ng kaklase ni Nald sa kolehiyo na si Dan. Nakuha nga ni Wheng ang gamit na numero sa telepono ni Nald. Ngunit, ang naibigay na numero ng kanyang kaklase ay kulang. Ganunpaman, gamit ang telepono ng kanyang pinsan ay sinubukan niyang punan ang nawawalang numero at ito ay sinubukan niyang padalahan ng mensahe. At ito nga sa wakas ay nakuha niya rin yong kakulangan na numero. Dahil sa ito ay sinagot ni Nald sa kanyang mga mensahe na pinadala. Nagkakilanlan na nga sila dahil sa pinadala na mensahe ni Wheng na nagtatanong sa kung ito daw ay numero ni Nald. At daglian naman itong sinagot ni Nald na pagsang-ayon. Ito ang dahilan ng tuloy na pagpapalitan nila ng mensahe gamit ang kani-kanilang telepono.Ngunit si Wheng ay nanghihiram lamang ng mga araw na yon sa kanyang ate Rosa dahil wala pa ito.Dahil sa itong dalawa ay masaya na nga sa isa’t isa sa pagpapalitan ng mensahe. Nabanggit ni Nald sa kanyang mensahe na mahal niya na daw si Wheng. Ito naman si Wheng dahil nga sa kaligayahan niyang sa pagkakaroon muli ng komunikasyon kay Nald ay ilang minuto lang ay daglian niyang sinagot na mahal din niya daw ito. Makaraan ulit ang ilang minuto ay binawi niya rin ito ang kanyang kasagutan kay Nald. Ngunit, sabi naman ni Nald sa kanya na ang nasabi ay nasabi na at hindi na kailangang bawiin. Ito na nga ang pagiging magkasintahan nila. Pero, ito ay hindi pormal kasi sila ay hindi pa nagkikita muli sa isa’t isa. Si Wheng nong panahon na yon ay nasa Laguna pa at namamasukan na sa isang kompanya sa Laguna. At si Nald naman ay nasa kanilang probinsiya sa Bicol at nag-aaral pa. Tuloy tuloy pa rin ang pagtetext nila sa isa’t isa. Naging madalang ang kanilang pagtetext, ito ay sa araw ng sabado at linggo na lamang. Ito kasi ay sa skedule ng trabaho ni Wheng at dahil sa isa pa ay nanghihiram lamang sito ng telepono sa kanyang ate Rosa. Ika-2 ng Nobyembre, taong 2003 nong magsimula ang kontrata ni Wheng sa kanyang pinapasukang trabaho sa isang kompanya sa Laguna. Si Nald ay kasalukuyang nag-aaral pa rin non sa paaralan nila sa probinsiya na nasa ika-huling baitang na ito sa kanyang kursong pagka- enhinyero.
May 16, 2004 ay umuwi sa kanilang probinsiya sa Bicol si Wheng at sa hindi inaasahan ay ito ay naantala sa kanyang pag-uwi dahil sa kalagayan ng panahon sa kanilang probinsiya. Ang probinsiya pala nila ay sa Catanduanes, sakop ng Bicol.Pero magka-iba ang kanilang lugar doon at magkalayo pa.Si Wheng ay sa Baras at si Nald naman ay sa sentro ng Catanduanes, sa Virac. Dahil sa tulong ng kanyang kasintahan na si Nald ay nalalaman niya ang kalagayan ng panahon na kong may bagyo pa o wala na sa kanilang probinsiya.
May 19, 2004 ay natuloy na nga ang pagdating ni Wheng sa kanilang probinsiya at ito ay sinundo ng kanyang kasintahan sa daungan ng barko. Sa pagkakataong yon ay hindi inaasahan ni Nald na magkakasabay sila sa pagsundo ng nanay ni Wheng doon. Pinakilala ni Wheng sa kanyang nanay na nagngangalang Librada ang kanyang kasintahan na si Nald. Pagkatapos noon ay dumiritso na si Wheng at ang kanyang nanay pauwi sa kanyang lugar sa kanilang probinsiya. Dahil sa wala pa noon ng signal ng telepono dahil sa katatapos pa lamang ng bagyo. Nawalan ito ng kumunikasyon sa isa’t isa.
May 21, 2004 saan nandon ang kanyang kasintahan niyang si Nald. Ng andon na sila ay sinubukan niya itong itext si Nald upang ipaalam niya na andon sila ngayon sa siyudad ng Virac. Kinahapunan ay napagpasiyahan nila na magkita sa isa’t isa upang maging sila ng pormal na magkasintahan. Ang tagpuan nila ay sa lugar kung saan ay nag-aaral si Nald at ganun din kung saan nagtapos ng pag-aaral si Wheng. Kasalukuyang kasama pa rin noon ang pinsan ni Wheng. Ng magkatagpo na ito doon, dumiretso ito sa bahay ng dating kamag-aral ni Wheng sa kolehiyo at ito rin ay kaibigan niya na nag ngangalang Polin. Ang lugar na iyon ay malapit lamang sa kanilang paaralan. Nakarating na nga sila sa bahay na iyon. Naabutan nila don si Polin kasama ang kanyang kasintahan na si Dan. Si Dan ay isa rin na kamag-aral ni Nald sa kolehiyo at kaibigan niya rin ito. Nag kwentuhan sila don, at pagkatapos ay nag usap-usap sila na pumunta ng tinatawag ng Downtown sa Virac. Pumunta sila sa isang kainan doon na pangalan ay Fud Hauz. Kumain silang lima Nald at nagkuhanan din ng litrato. Ng matapos na, naglakad silang dalawang magkaparehong magkasintahan papuntang palengke para naman makapag usap pa ng matagal habang naglalakad. Ang pinsan ni Wheng na kasama nila ay nauna ng umuwi sa kanilang tiyahin sa Sta. Elena sa lugar ng Virac. Tuloy tuloy sila sa paglalakad at ng maabot na nila ang palengke ay saka lamang ito sumakay ng tricycle papunta sa bahay ni Polin, dahil sa naiwanan don ni Nald ang kanyang dala dalang motorsiklo. Ng makarating silang apat sa bahay na iyon ay nagpaalam na rin ang magkasintahan na si Nald at Wheng sa kanilang mga kaibigan. Inihatid ni Nald ang kaniyang kasintahan sa tiyahin niya sa Sta. Elena. Pagkarating doon sa bahay ng kaniyang tiya ay ipinakilala niya ang kaniyang kasintahan. At doon din nalaman ni Nald na yong tiyahin ng kanyang kasintahan at ang tatay niya ay magkaklase nong sila ay nasa kolehiyo pa lamang. Pagkatapos noon ay nagpaalam na rin si Nald sa kaniyang kasintahan at sa tiyahin ng kanyang kasintahan. Inihatid ni Wheng ang kaniyang kasintahan sa labas ng bahay papunta sa sasakyan. Bago umalis si Nald ay tinanong ulet nito si Wheng kung talaga nga bang totoo ang pagmamahal nito sa kanya. Sinagot naman ito ni Wheng ng buong puso at matamos na oo at mahal na mahal niya rin ito. Ito na ang ganap na pagiging magkasintahan nila. Nagpaalam na at umalis na rin si Nald ng matapos iyon gamit ang dala dala niyang motorsiklo. Ng matapos sagutin si Nald ng pormal ni Wheng ay nag desisyon ito na pumunta sa kanilang bahay sa Baras upang makilala nito ang mga magulang ng kaniyang kasintahan. Ayaw nga din itong payagan ng kaniyang magulang dahil sa baka daw ay hindi na ito makabalik. Pero, matatag pa rin ang paninindigan niya at tumuloy pa rin ito sa pagpunta sa kanyang kasintahan.
May 23, 2004, araw ng lingo noon ay natuloy nga ang pagpunta ni Nald sa bahay ng kaniyang kasintahan. Sumakay siya sa isang pampasaheNaldg sasakyan papunta sa lugar ng kanyang kasintahan. Nahirapan magpaalam noon si Wheng sa kanyang mga magulang na darating ang kanyang kasintahan dahil sa una pa lamang itong pagtanggap niya ng bisita at lalake pa. Naipagpaalam niya rin ito, una sa kanyang nanay at sumunod sa kanyang tatay.Pero, tsaka lamang naipagpaalam sa ama ni Wheng nong parating na ang kaniyang kasintahan. Tinanong pa nga ng tatay nito kong mag-aasawa na raw siya. Sinagot naman niya ito na hindi pa po daw at marami pa daw silang mga pangarap sa kanilang mga buhay. Ng nakarating na si Nald ay buong galang na pinapasok ito ng magulang ni Wheng. Kinausap sila nito at pinagpayuhan. Ng makita pala ni Nald ang tatay ng kaniyang kasintahan ay parang nalulungkot ito dahil sa akala niya nga talaga ay mag-aasawa na ang kanyang anak na bunsong babae. Nang natapos na nga ang pagpapayo sa kanilang magkasintahan ay pumunta silang dalawa sa igiban ng tubig para mag igib. Pagkatapos nito sa pag igib ng tubig, si Nald ay nagtanggal ng balat ng niyog at pagkatapos ay kinayod niya ito. At si Wheng naman ay kasalukuyan din na naghahanda para sa lulutuin niyang ulam. Matapos ang lahat ng kailangan sa lulutuin ni Wheng na ulam ay iniluto na niya ito. Pagkatapos ay kumain na sila ng sabay sabay samantalang nag iinuman non ang tatay ni Wheng, ang isa niyang nkakatandang kapatid na lalake na si Longlong at iba pang kaibigan nila. Paakyat na si Nald at Wheng noon para ihatid na sa kaniyang kuwarto para sa kanyang tulugan ay pina inum ito ng isang shot na kong tawagin nila. Siya ay biglang nahilo at yon tuluyan na itong inihatid ng kaniyang kasintahan paakyat upang matulog. Ng maihatid n si Nald ng kaniyang kasintahan ay nagpaalaman na ito ng “goodnight and I love you”. Kinaumagahan din non ay nagpaalam na si Nald sa kanyang kasintahan at sa magulang at kapatid nito. Pero bago umuwi ito ay binigyan si Wheng ng isang keychin galing pa ng Baguio. Pinagtimpla ni Wheng ang kaniyang kasintahan ng kape bago ito umuwi pabalik sa kanyang bahay sa Virac.
May 27, 2005 noon ay bumalik na rin sa Laguna si Wheng at ang kanyang pinsan na si Ocel upang maghanap muli ng bagong trabaho doon. Inihatid ito ng kaniyang kasintahan sa terminal ng sasakyang barko. Ng makarating siya sa Laguna sa kaniyag ate ay nagpahinga muna ito. Kinabukasan ay nagsimula na itong mag ahanap ng trabaho. Habang abalang abala si Wheng noon sa pag hahanap ng trabaho. Ang kaniyang kasintahan naman ay abala sa pag eenrol sa ika limang baitang sa kolehiyo na siyang huling grado na nito. Tuloy tuloy pa rin ang pagpapalitan nito ng mensahe sa pamamagitan ng kani-kaniyang telepono. Nakakuha na rin non si Wheng ng trabaho at si Nald naman ay pumapasok na sa pag-aaral.
August 21, 2005 noon ng lumuwas ng Maynila si Nald kasama rin ang kanyang pinsan na si Jayson para bumili ng mga aklat para sa kanyang pag-aaral. Ng mga sumunod na araw ay nagkitang muli ang magkasintahan sa mall sa Cubao. Kasama ni Nald ang kaniyang nakakatandang kapatid na si Belle at ang asawa nito, at ang pinsan na kasama ni Nald lumuwas ng Maynila. Dahil inabot sila ng gabi sa pamamasyal don, napag kasunduan na nila na kumain na lang ng gabihan sa isa pang mall na matatagpuan din sa Cubao. Ng matapos ng kumain ay umuwi na rin sila sa inuupahan na bahay ng ate ni Nald. Doon na rin natulog ang kanyang kasintahan na si Wheng. Si Nald ay di pa rin natulog nun kaagasd dahil sa ito ay abala sa kanyang kaibigan na si Lhing sa pagttext. Si Wheng aman ay pinagmamasdan lang kong anong ginagawa nito. Kinabukasan ay inihatid na si Nald at ang kanyang pinsan sa terminal ng bus patungo sa probinsiya nila.Kasama rito sa paghahatid ay ang kanyang kasintahan at ang kanyang nakakatandang kapatid na babae. Doon din nakilala ni Wheng si lhing na kaibigan ng kanyang kasintahan at kamag-aral nito sa kolehiyo. Ng makaalis na ang bus na sinasakyan ng kasintahan ni Wheng, umuwi na rin ito patungo sa Laguna kong saan ay kasalukayan siyang nagtatrabaho doon.
Nakauwi na nga sila sa kani-kaniyang lugar. Patuloy na naman ang kanilang pagpapalitan ng mensahe sa telepono. Dahil sa ito ay malayo na naman sa isa’t isa. Sa patuloy nilang pagpapalitan ng mensahe nabanggit ni Nald sa kanyang kasintahan ang tungkol sa kaniyang relihiyon. Dahil sa noon sila ay magkaiba ang pananampalataya. Sinabi ni Nald sa kanyang kasintahan ang mga turo ng kanyang kina-aaniban na relihiyon na bawal sa kanila ang may kasintahan na tiga-sanlibutan o magka-iba ng pananampalataya. Napag isipan kasi ni Nald na ano pa daw ang silbi ng kanyang pagpapalit ng pananampalataya kung hindi man lang nasusunod ang mga alituntunin nito na naayon sa bibliya. Hindi niya alam kung anong gagawin, dahil sa nagdadalawang isip siya na baka hindi niya ito maakay sa kanyang pananampalataya dahil ang kanyang kasintahan noon ay matatag din ang pananampalataya sa kina-aaniban niyang relihiyon. Medyo nagkalabuan silang dalawa non. Kaya sinabi ni Wheng na pwede naman daw pag-usapan ng personal. Napatagal pa ang kanilang pag-uusap sa personal dahil sa malayo sa isa’t isa ang kinilang kinalalagyan.
October 24, 2004 ng muling umuwi si Wheng sa kanilang probinsiya sa Bicol kasi piyesta sa kanilang lugar. At yon din ang oras ng kanilang pagsasama ng kanyang pamilya. Umuwi din kasi lahat ng kaniyang kapatid gailng sa iba’t ibang lugar kaya pinilit niya ring makauwi. Sinundo ito ng kanyang kasintahan sa terminal ng sakayan ng barko. Ng magkausap sila ay pinipilit ni Wheng ang kaniyang kasintahan na sumama sa kanilang bahay. Pero hindi ito sumama at bagkus ay sumunod na lamang ito sa sumunod na araw. Dumating na nga sa bahay ni Wheng ang kanyang kasintahan. Sinalubong niya ito. Naabutan ni Nald ang maraming tao ngunit di niya alam kong bakit maraming tao. Yon pala ay piyesta sa kanilang bayan. Tinanong ng mga tao Nald kay Wheng kung siya na nga raw ang kaniyang mapapangasawa. Hindi naman niya ito inimikan bagkus ay ngumiti na lamang ito. Kinahapunan ay muling isinama ni Wheng ang kanyang kasintahan para mag-igib ng tubig sa hindi naman kalayuan. Pagkatapos non, kinagabihan ay tumungo sila sa bahay ng pinsan ni Wheng sa unahan ng kanilang bahay kasama ang ate Rosa ni Wheng at ang isang anak na babae ng kaniyang ate na si Abi.
October 26, 2004 pa rin ay umuwi na si Nald sa Virac galing sa bahay ng kanyang kasintahan sa Baras. Bago umalis siya non ay pinagtimpla muna ito ng kanyang kasintahan ng kape. Nang araw na yon ay kasabay niya rin ang kanyang kasintahan para bumalik na rin sa Laguna. Sa pamamagitan ng pampasaheNaldg sasakyan ay nakarating sila sa bayan ng Virac. Dahil sa puno na ang kanilang nasakyan patungong bayan ng Virac doon sila sumakay sa bubong ng sasakyan. Hindi akalain ni Wheng na hindi pala sanay ang kanyang kasintahan na sumakay doon.Ang sasakyan kasi doon ay may oras na sinusunod ng kanilang pagbibiyahe. Ng makarating sila sa bayan ng Virac ay tumungo sila kaagad sa terminal ng sasakyang pandagat para doon ay sumakay si Wheng patungo sa Tabaco at pagdating doon ay sakay sa bus patungo na sa Laguna. Nagpaalaman na rin sila sa isa’t isa. Dahil sa sila ay magkalayo na naman noon ang naging komunikasyon nila ay ang kanilang mga telepono.
November noon ay lumuwas ulet ng Maynila si Nald kasamang muli ang kaniyang dating kasamang pinsan para may bilhin ulet. Muling nagkita non ang magkasintahan sa lugar ni Wheng.Sa Balibago lugar sa Sta. rosa kong saan ito ay nangungupahan.Dahil sa may trabaho non si Wheng ay dumiritso na ito sa pakikipagkita sa kanyang kasintahan. Nagkita na nga sila sa isang mall sa Balibago, Sta. Rosa Laguna kasama si Ocel. Dumiritso sa terminal ng jeep patungo sa Calauan, kay ate Rosa na nakakatandang kapatid ni Wheng. Bago ito makarating doon ay dumaan muna sa isang kainan at kumain. Pagkatapos ay inuwian pa ng pasalubong ang daratnan nila don. Ng marating nila ang pupuntahan nila ay sinalubong sila ng dalawang magagandang babaeng bata na anak ni ate Rosa, ito ay sina Abi at Denden. Tuwang tuwa ung dalawa ng makita nila ang kanilang tiyahin na si Wheng. Nakarating sila doon mga hapon na non. Na andon na nga sila sa bahay na iyon. Walang sawang pagkikwentuhan ang dalawang magkapid at kanilang pinsan. Si Nald naman ay nakikipagkulitan sa dalawang bata. Palibhasaý mahilig din ito sa mga bata. Hanggang sa sumapit na ang oras ng tulugan. Doon na rin nagpalipas ng gabi sila. At kinaumagahan ay umuwi rin kaagad ang dalawang magkasintahan.Bago sila dumiritso ng Cubao ay huminto muna ulit sila sa bilihan ng sikat sa Laguna ang buko pie. Binilhan nito si Wheng upang maging pasalubong nito pag-uwi sa bahay ng kanyang ate sa Cubao. Ng narating na nila ang Cubao hindi na alam ni Nald kung saang lugar sila bababa. Kaya’t itoý nakalagpas sa dapat nilang babaan. Natunton din nila ang bahay ng ate ni Nald dahil sa nakita nito ang otel kong saan sila namalagi nong College tour nila. Hapon na ng marating nila ang bahay na iyon. Yon din ang araw ng pag alis ni Nald at ng kanyang pinsan patungo muli sa kanilang probinsiya sa Bicol. Inihatid ito ng kanyang ate at ang kanyang kasintahan sa terminal ng bus. Ng paalis na ito ay nagpaalam na rin ang kanyang ate at ang kanyang kasintahan. Dumiritso na ang kanyang kasintahan sa Laguna. Habang nagbibiyahe non sila Nald at ang kanyang pinsan ay may namataang bagyong papalapit sa kanilang patutunguhan. Ayon na nga dumating sila don sa Tabaco City, lugar ng Bicol. Ang lugar kung saan ay sasakay sila ng barko para makarating sa kanilang probinsiya. Hindi sila nakauwi kaagad noon dahil walang bumiyaheng barko dahil sa malakas ang bagyo. Kaya napag desisiyonan ni Nald na tumuloy na muna silang dalawang mag pinsan sa bahay ng kanilang tiyahin malapit don sa sakayan ng barko. Ang kaniyang kasintahan ay alalang alala noon dahil sa nawalan sila ng komunikasyon dahil sa walng signal doon kina Nald. Doon muna sila nagpalipas ng mga ilang araw bago sila tuluyang nakauwi sa kanilang probinsiya.
Matapos ang limang taong pamamasukan ni Nald sa kolehiyo ay nakapgtapos na rin ito noong Abril 2005. Pagkatapos nito ay muli siyang lumuwas ng Maynila para kumuha ng pagsusulit para sa pagka-enhinyero. Kasama niya noon lumuwas ang kanyang kaibigan at kamag-aral sa kolehiyo na si Richard at ang tatay nitong. Ang tinuluyan nilang bahay doon ay ang bahay ng kanyang kaibigan na si Richard. Naabutan nila don ang isa pang nakakatandang kapatid na babae ni Richard na si Rich. Si Wheng noon ay abala sa kanyang pagtatrabaho pero patuloy niya pa ring kinukumusta ang kanyang kasintahan sa pamamagitan ng text at tawag.
Pagkalipas ng ilang linggo bago ang pagsusulit ni Nald ay pumunta si Wheng sa kanila. Kung saan ito ay nanunuluyan na bahay. Nagkamustahan muna sila sa isa’t isa ng dumating at magkita ito. Andon din si Richard at ang kanyang ate. Napagkasunduan ng magkasintahan na pumunta sa isang mall para manood ng sine at mamasyal na rin. Pagkatapos nilang manood ng sine ay kumain sila at nagpaalaman na muli ito. Dumiritso na si Wheng sa Laguna at ang kanyang kasintahan naman ay sa Manggahan sa lugar ng Quezon City sa bahay ng kanyang kaibigan.
May 12, 2005 ay ang unang pagsusulit ni Nald at ang kanyang kaibigan sa pagka-enhinyero. Dalawang araw ang pagsusulit nito. Ng matapos na ang pagsusulit ay umalis na rin sa tirahan ng kanyang kaibigan at nangupahan na rin sa ibang bahay na malapit din sa kanyang kaibigan. Siya lamang ang naroon dahil sa ang kanyang ate, kanyang asawa at anak nito ay kasalukuyang nasa bakasyon sa kanilang probinsiya sa Bicol. Si Wheng ay muling pumunta doon sa bagong apartment na inuupahan ng kanyang kasintahan. Nakarating ito ng mag-isa rito at tsaka lamang ito sinundo ng kanyang kasintahan malapit na sa kanilang apartment. Dito na rin nagpalipas ng gabi si Wheng sa piling ng kanyang kasintahan.. Sa oras ng kanilang pagtulog ay may mga pusa sa bubong ng bahay na sobrang ingay na para bagang naglalampungan sa taas. Kaya yong dalawa ay di nakatulog kaagad. Kahit sila lamang dalawa doon sa bahay ay walang anumang nangyari sa buong magdamag ng kanilang pagsasama.Dahil sa silang dalawa ay parehas na may takot sa diyos kaya takot silang gumawa ng masama. Hanggang sa sumapit ang umaga. Si Nald ay nagpaalam noon sa kanyang kasintahan para pumunta ito ng bahay sambahan upang sumamba. Ang kanyang kasintahan ay kasalukuyang nakahiga pa non at medo inaantok pa. Inaantay nitong lumabas upang Makita ang kanyang kasuotan sa pagsamba ngunit ito ay nakatulugan niya hanggang sa makaalis at pagdating nito. Kinahapunan non ay umalis na rin si Wheng dahil sda kinabukasan ay may trabaho na siya sa pinagtatrabahuhan niya doon sa Laguna.
Ang sumunod nilang pagkikita ay doon pa rin sa apartment ni Nald na inuupahan. Hindi nila alam non na makikita nila ang kanilang kamag-aral nong high school doon malapit sa apartment. Ang kamag aral na si Edilito ang nakita nila. Ayon nagkwentuhan at nagbiruan at hanggang sa magpaalam na rin ang kanilang kamag aral. Ng mga sumunod na araw ay pumunta sila sa bahay nila Dan doon sa lugar ng Manila sa Paco. Naabutan nila ito kasama ang kasintahan nitong si Polin. Nagkakwentuhan din at nagka biruan. Ang isang biro don ni Dan ay ng maitanong kay Nald kung kelan niya balak pakasalan ang kanyang kasintahan na si Wheng. At ang sagot naman nito ay walang daw kasalan na magaganap hangga’t hindi nakakapasa ang kanyang kasintahan sa pagsusulit ng pagka-guro. At kanyang kasintahan ay nabigla sa sinagot ni Nald. At ayon natapos na ang kanilang kwentuhan. Pagkatapos ng pamamasyal ay bumalik na ito sa bahay nila Dan at nagpaalam na sila kina dito at sa kasintahan nito.
Ang pinaka huling punta ni Wheng sa apartment ng kanyang kasintahan nong malipat ang kanyang schedule sa trabaho. Naabutan niya don ang kaibigan ng kanyang kasintahan na si Richard na kasalukuyan itong gumagawa ng plano sa kanilang kliyente. Habang tumutulong si Nald sa paggawa ng plano sa kanyang kaibigan. Si Wheng naman ay kasalukuyang natutulog noon at nagising lang ito ng ginising ito ng kanyang kasintahan para mananghalian. Pagkatapos ng kanilang pananghalian ay namasyal ulet sila sa bahay nila Dan kasama si Richard. Naabutan nila ang magkasintahan na si Dan at Polin doon. Nagkakwentuhan at namasyal silang lima sa tinatawag na Baywalk. Ng malapit ng gumabi ay lumakad na sila pauwi ng bahay ni Dan at nagpaalaman na sila.
December 3, 2005 nong magkita ulit silang magkasintahan sa Cubao. Nakilala ni Wheng non ang kapatid ng kanyang kasintahan na si Arlene. At nakilala rin ni Nald ang kaibigan ng kanyang kasintahan na kasama niyang lumuwas patungong Cubao. Ng mga sumunod na linggo ay sumunod na rin si Nald umuwi patungo sa kanilang probinsiya. Nawalan sila ng pagkakataon na magkita non dahil sila ay abala sa kanilang pamilya.Pero di pa rin nawawala ang kanilang komunikasyon dahil sa gamit ng kani-kanilang telepono.
January 2006 non ng bumalik na ang magkasintahan kasama si Arlene ng Maynila. Magkasama silang naglakbay.Si Wheng ay bumaba non sa Laguna kung san ito nagtatrabaho at yong dalawang magkapatid ay diritso ng Maynila. Pagkadating nila sa kanilang mga bahay ay nagkumustahan sa pamamagitan ng pag-text. Matagal na naman silang hindi nagkita non pero patuloy pa rin ang pagpapalitan nila ng mensahe at pagtatawagan sa pamamagitan ng kanilang telepono.
December 16, 2006 non ng umuwi muli si Wheng sa kanilang probinsiya para sunduin ang kanyang nanay na may karamdaman. Kasabay nito ay ang kanyang tatay na may sakit din. Nagkita ulit ang magkasintahan sa pagkakataong ito. Inihatid ni Nald ito sa terminal, sakayan papuntang probinsiya. Pagkatapos na makaalis na ang sinasakyang bus ni Wheng ay umuwi na rin ang kanyang kasintahan at mga kasama nito. Patuloy pa rin ang pagpapalitan nila ng mensahe habang nasa bus ito at hanggang sa makarating ito sa kanilang mga patutunguhan.
Nagkita sila ulit non sa malungkot na pangyayari nong mawala sa piling ni Wheng ang kanyang ama. Si Wheng non ay sobrang lungkot at iyak ng iyak dahil sa mga nangyari. Maging si Nald ng mabalitaan yon ay nalungkot dahil sa alam ni Nald na ito ay mapag arugang ama sa kanyang mga anak. Kanya pati ito ay napapaiyak din. Nakapunta lang si Nald sa araw ng libing ng ama ng kanyang kasintahan. Dahil ito ay abala rin sa kanyang trabaho at di pwedeng magpaalam ng matagal sa kanyang trabaho, dahil sa marami itong ginagawa na kailangang maipasa. Ng makarating na nga don si Nald ay naabutan niya ang kanyang kasintahan, ang nanay nito at ang mga kapatid nito na iyak ng iyak. Kaya ito ay napapaluha rin kaso pinipigilan niya lamang ito. Hanggang sa matapos ang libing.Bumalik na sila sa bahay ng kanilang Ate Rosa. Si Nald non ay nagpaalam na rin kasi may trabaho pa siya bukas. Ang kanyang kasintahan naman ay nagpahinga na rin.Sila ay matagal na namang di nagkita non dahil sila ay abala sa kani-kanilang trabaho. Sa pamamagitan na lamang ng pagtawag at pag-text nagkakausap sila.
March 2007, Nasundan ang kanilang pagkikita nong pumunta muli sa bahay ni Nald ang kanyang kasintahan. Sinundo muli niya ito sa kung saan tumitigil ang sinasakyan nito sa lugar sa Cubao. Natapat non ang pag babanal na hapunan ni Nald sa kanyang relihiyon. Kaya ito ay nagmamadali na umalis matapos na maihatid niya ang kanyang kasintahan sa bahay na inuupahan nito sa lugar din ng Cubao. Yon ang matagal nilang pagsasama dahil sa dalawang araw si Wheng doon na namalagi sa bahay ng kanyang kasintahan. Sinamantala nila ang pagkakataon non na magkasama silang mamasyal at nagpakuha ng letrato sa isang Photo shop. Ng makalipas ang dalawang araw ay nagpaalam muli si Wheng na uuwi ng Laguna dahil sa ito ay may trabaho na kinabukasan. Silang muli ay matagal na namang di nagkita non dahil sila ay abala sa kani-kanilang trabaho. Sa pamamagitan na lamang ng pagtawag at pag-text nagkakausap sila.
June 2007, Nang magkita ulit sila sa mall don sa lugar ng Alabang. Doon ay sinamantala nila ang muling pagkikita.Namasyal sila sa loob ng mall at habang namamasyal ay nagkwentuhan sila ng mga nangyari sa mga buwan na di nila pagkikita. Ng malapit ng gumabi ay nagpaalam na sila sa isa’t isa. Pero bago sila maghiwalay ay kumain muna sila sa loob din ng mall at habang kumakain ay nagkukuwentuhan pa rin ito. Ng matapos ay tuluyan na silang naghiwalay. Tumungo na si Wheng non sa Laguna at ang kanyang kasintahan naman ay tumumugo na rin sa inuupahan niyang bahay malapit sa kanyang pinagtatrabahuhan sa Paranaque. Pagkadating sa kani-kanilang bahay ay nagkamustahan muli ito sa pamamagitan ng pag-text. Silang muli ay matagal na namang di nagkita non dahil sila ay abala sa kani-kanilang trabaho. Sa pamamagitan na lamang ng pagtawag at pag-text nagkakausap sila.
Nang makalipas ang ilang buwan si Nald ay parang nanlalamig na sa kanyang kasintahan dahil sa mga turo ng kanyang kina-aaniban nitong relihiyon. Kasi parati niyang naririnig tuwing papasok siya sa kapilya ang mga pag-aaral tungkol sa mga paghahanap ng magiging kasintahan. Nabanggit kasi sa mga pag-aaral na iyon ay ang bawal makipagtipan sa mga di kapanampalataya dahil sa ito ay nakakaapekto sa pagiging kaanib sa relihiyon. Kaya nagpasya si Nald na wag na munang sagutin ang kanyang kasintahan sa mga tawag at text. Nalaman lang ang dahilan ni Wheng noong ilang buwan na ang nakakalipas. November 3, 2007 ng malaman niya ito. Kasalukuyang nasa outing ito. Masayang masaya siya non na kasama niya ang kanyang mga katrabaho sa outing sa dagat. Natigil ito ng malaman niyang balak makipaghiway ang kanyang kasintahan. Buhat non ay sila ay nagkalabuhan sa walang pormal na dahilan. Dahil sa si Nald ay ayaw na rin makipag kita at sumagot sa mga text at tawag ng kanyang kasintahan.
Nagkaroon lang ulit sila ng komunikasyon sa pamamagitan ng isang website sa internet. Ito ay ang friendster. Ginawan kasi si Wheng ng kanyang kasama sa trabaho at sa inuupahan nilang bahay Sa Laguna ng friendster habang ito ay gumagawa ng resume nila. Sinabi kay Wheng ng isa niyang kasama na si Teri na kung gusto niya daw magkaroon ng friendster at hanapin nila ang friendster ni Nald. Ayon nga ginawan ito ng friendster at dahil sa wala pang hilig dito si Wheng hindi niya ito binubuksan. Ang nagbubukas din ay ang gumawa ng kanyang friendster. Kaya’t kahit anong pinapadalang mensahe ni Nald kay Wheng sa kanyang friendster ay si Teri ang nakakabasa at binabalita niya ito sa mga katrabaho nito. Si Wheng non ay medyo nahihiya dahil sa mga binabalita ni Teri. May isa pa ngang kasama ni Wheng sa trabaho ay nakipag pustahan pa na silang muli ay magkakabalikan ng kanyang kasintahan sa pamamagitan ng friendster. Nagkaroon lang ng pagkahilig dito sa friendster ng magpadala ang kanyang kasintahan sa komentaryo na “LABS”. Ito kasi ang tawagan nila sa isat isa simula ng maging sila noon.
March 30, 2008, Kalahatian ng buwan ng mag desisyon si Nald na ayain na umanib ang kanyang kasintahan na magpadoktrinna at makapag pabautismo dito sa relihiyon na ito. Napag isipan niya itong ayain dahil sa tulong din ng kaibigan niya na si Lhing sa pamamagitan ng pagpapayo ni Lhing sa pamamagitan ng text. Kaya pinadalhan kaagad ni Nald na kung pwede silang magkita doon sa inuupahang bahay ni Wheng doon sa Laguna. At para ito ay dalhin sa pinakamalapit na bahay sambahan para ito ay maipatala sa mga makikinig ng doktrina sa relihiyon ni Nald. Hindi pa rin ito dinala muna ni Nald sa kanilang bahay sambahan upang mapatala para ma iayos muna kung talagang gusto ni Wheng na magpatala na. Sila noon ay nag-usap sa isang mall sa bayan ng Sta. rosa lugar ng Laguna. Sila ay nagkahiyaan pa non. Hindi sila masyadong nag-iimikan dahil nga sa pagkakalabuan nila. Pero, sila rin ay nagkausap. Matapos na sila ay magkausap ay nagpaalam na rin si Nald sa kanyang kasintahan na si Wheng. Tuloy tuloy na ulit ang pagpapalitan nila ng mensahe.Pero ito ay di pa rin pormal na nagkakabati.
April 1, 2008, Nang magkita sila sa inuupahang bahay ni Wheng sa Laguna upang ipatala na ito sa makikinig ng doktrina sa relihiyon ng kanyang kasintahan na si Nald. April 6,2008, nagpalipas ng gabi si Nald sa bahay ng kanyang kasintahan. Nagkausap ng matagal at pormal ng naging sila muli. Umuwi na rin kinabukasan si Nald. Patuloy na rin ang kanilang pagpapalitan ng mensahe.
Hanggang sa, April 30, 2008 ay sila ay nagkalabuan muli.Pero hindi ito malaman ni Wheng kung bakit ganito na naman ang nangyari at balak makipaghiwalay muli ng kanyang kasintahan. Ayon nga, si Nald ay mukhang nakikipaghiwalay na naman sa di malamang dahilan. Hindi kasi sinasabi ang dahilan nito.Ang hindi alam ng kanyang kasintahan ay sinusubukan niya lamang ito na kahit hindi na sila ay magpapatuloy pa rin ito sa kanyang pagpapa doktrina.Pero kahit papano ay nakipagkita pa rin si Nald kay Wheng sa kanilang inuupahang bahay sa Laguna. Nag-usap sila sa isang mall doon at pagkatapos ay umuwi din si Nald.Mayo 1 taong 2008 din ng magkita sila Nald at nakita pa sila ng katrabaho ni Wheng. At ito na naman muli ang huling pagkikita nila.
Dahil sa ito ay sinusubukan pa ang kasintahan ni Nald sa kanyang pag pagpapa doktrina. Ito ay pinagpatuloy pa rin niyang hindi sagutin ang mga mensahe nito. Kasalukuyan din nag-aaply non siya sa patungong ibang bansa. At yon na nga nalaman na lang ng ni Wheng na si Nald ay palipad na patungong Saudi sa ate nito. Kasi si Nald ay ayaw ipaalam sa kanyang kasintahan na ito ay aalis na. Ayaw niya kasi itong Makita dahil sa mas lalo lang itong malulungkot at siya pag nagkita sila. Kaya matibay ang desisyon ni Nald na huwag ng makipagkita sa kanyang kasintahan. Ng mabalitaan nga ni Wheng na ang kanyang kasintahan ay lilipad na patungong Saudi kinabukasan. Nagpasya ito na lumuwas ng Maynila para puntahan si Nald sa kanyang bahay. Ng makarating na ito sa cubao na kong saan ay parate siyang sinusundo ng kanyang kasintahan ay nag-text dito na andon na daw siya sa dati nilang tagpuan. Ngunit dahil sa matatag na ang desisyon ni Nald na talagang ayaw niya ng makipagkita. Ito ay binaliwala niya lamang ang mensahe. Pero di pa rin nawalan ng pag-asa si Wheng.Binigyan niya rin ng mensahe ang nakakatandang kapatid ni Nald tungkol sa kanya at kung nasaan siya. Sinabi ito kay Nald, ngunit talagang ayaw nito. Kaya umuwi na lang si Wheng na malungkot at luhaan dahil hindi niya nakita ang kanyang kasintahan.
June 29, 2008, Nang lumipad na nga si Nald patungong Saudi at nakarating ito kinabukasan na. Matagal na wala sila non ng walang komunikasyon dahil saw ala pang simcard si Nald doon. Kahit na ito ay may dala dalang roaming sim ay tinitpid niya ito para sa kanyang mga magulang. Si Wheng non ay patuloy pa rin ng pagtatrabaho sa dati niyang pinagtatrabahuhan. At patuloy pa rin sa pagpapa doktrina. Hanggang sa nakabili ng sim si Nald sa bansa kung san siya ay naroon at ito ang pinantatawag niya at pinang text upang kumustahin ang kanyang kasintahan na patuloy pa rin sa pagpapadoktrina.Tuloy tuloy na muli ang kanilang pagpapalitan ng mensahe sa pamamagitan ng telepono at internet.
Hanggang sa matapos ni Wheng ang kanyang pagdoktrina at mga proseso para siya ay matala na sa relihiyon na kina-aaniban nng kanyang kasintahan. October 25, 2008, nang siya ay ma bautismuhan sa Lokal ng Calamba, distrito ng Laguna sa Iglesia ni Cristo. Ayon na ang pagiging matatag nila sa isa’t isa dahil saw ala ng pinangagambahan si Nald sa kanyang pananampalataya. Dahil sa sila ay pareho ng pananampalataya. Ipinagpapasalamat nila sa panginoong hesukrsito at panginoong diyos sa pag gabay sa kanila upang ito ay wag ng magkahiwalay namag muli. Sila ay patuloy na aktibo na sa kanilang mga pananamapalataya. Patuloy na rin ang komunikasyon nila sa isa’t isa.
Mas lalo pang naging malapit sila sa isa’t isa nong biyayaan sila ng panginoon ng isang bagay na kung saan ay pwede silang makapag-usap ng matagal sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng kanilang mga telepono.
March 2009 nang mag propose si Nald kay Wheng na magpakasal sila. Kaya ito rin ay pinag-isipang ding mabuti ni Wheng ang mga bagay na ito. Hindi akalain ni Nald na sa tagal nilang maging magkasintahan ay sa wakas matutupad na rin ang kanyang minimithi ang makasama na si Wheng habang buhay.Ganun din si Wheng napakasaya ng araw na iyon.Napagkasunduan nila na magpakasal sa pagdating ni Nald.Kasi si Nald ay nasa ibang bansa pa kasi hindi pa natatapos ang kanyang kontrata doon.Bagamat si Nald ay wala pa sa bansa ay pinapgpaplanuhan na nila kung pano, ano ang mga bagay na kanilang dapat ihanda sa kanilang BIG DAY na iyon. Sa pamamagitan ng internet communication nila ay napagpaplanohan at napagkakasunduan nila ang mga dapat para sa kanilang kasal.Tuloy pa rin ang kanilang communication at kanilang pagplano hanggang dumating ang year 2010. Pero hanggang ngayon ay hanggang sa plano na lang sila muna sa kasal kasi hindi pa rin tapos ang kontrata ni Nald sa ibang bansa at ito ay matatapos ngayong buwan ng June 2010.
June 2010, sa di inaasahan ay nakauwi na si Nald sa Pilipinas. Siya ay sinundo ng kanyang mga kapatid at nanatili ng isang gabi sa kanyang mga kapatid. Sila noon ni Wheng ay nag tetext at nag-uusap na para mapadali ang pag-plano ng kanilang kasal ay kailangang malapit sila sa isa’t isa. Tinanong ni Nald ang kanyang kasintahan na kung merong bakante na puwedeng maupahan na malapit sa inuupahang bahay ng mg aka trabaho niya. Ayon at swerte ni Nald at may bakante. Kaya kinaumagahan ay napag desisiyunan ni Nald na pumunta na don kay Wheng sa Laguna kung saan siya ay pansamantalang nangungupahan doon. Dala ang lahat ng mga damit ni Nald ay dali dali siyang pumunta sa sakayan papuntang Laguna.Nong makarating na siya ron sa Laguna ay sinundo siya ng kanyang kasintahan na si Wheng at pinatuloy muna siya sa inuupahan nilang bahay. Dumating si Nald mga bandang mag tatanghali na. Kaya ipinagluto siya ng kanyang kasintahan ng paborito niyang ulam na ginisang ampalaya. Pagkatapos nila kumain at makapag pahinga ay lumipat na sila sa kanilang bagong uupahang bahay. Lahat ng gamit ni Wheng at ni Nald ay dinala doon. Sa unang araw ng kanilang pagsasama ulit ay nagging maligaya silang dalawa. Masyado nilang na miss ang isa’t isa kaya walang tigil sila sa kwentuhan at nag holding hands at nagyayakapan. Sa kanilang araw araw na sila ay magkasma ay nagging masaya sila at pinagpaplanuhan nilang maigi ang kanilang kasal. Sa kanilang pag-uusap sa kanilang kasal ay napagkasunduan nilang don magpakasal sa kanilang probinsiya sa Catanduanes sa lugar don ni Nald. Napagkasunduan din nila na magpakasal sa lalong medaling panahon at ang nagging petsa nito ay July 31, 2010. Bagama’t si Wheng ay busy masyado sa kanyang trabaho ay nakagawa pa rin ito ng paraan upang sila ay makapag seminar na isang requirement sa pagpapakasal. Natapos nila ang kanilang requirement sa plano nilang kasal ng mahigit isang buwan din. Sino ang mag-aakalang ang isa noon ng mag klasmayt at tintukso lamang ng kanilang mga klasmayt ay tuluyan ng magpapakasal.
Isang linggo bago sila ikasal ay umuwi na sila sa kanilang probinsiya dahil may aasikasuhin pa rin sila don sa bahay sambahan kung san sila ikakasal. Ito ay ang pagbibigay ng mga kailangan papeles at pag seminar ulit tungkol sa pagpapakasal. Don pa lang sa seminar ay ramdam na namen ang kaligayan kasi ilang araw na lang ay saw akas ay matutupad na rin ang matagal naming inaasam, ang maipakita an gaming pagmamahalan sa harap ng maraming tao.
July 31, 2010, araw ng sabado noon ay natupad na nga ang matagal nilang pinaghandaan. Ang pinakamalaking pangyayari sa parte ng kanilang buhay. Maaga pa lang ay naghahanda na ang dalawa sa kanilang kasal. Bago mag alas 11 ng umaga ay nakarating na don si Nald sa bahay sambahan sa Lokal ng Virac kung san idadaos ang kanilang kasal. At di nagtagal ay dumating na rin ang kaynyang bride ba si Wheng. Gulat na gulat ang Groom ng dumating ang bride kasi di na siya makilala kasi mas lalo pang nangibabaw ang ganda ng kanyang bride nong nakabihis ito ng kanyang wedding gown at naayusan ito. Bago bumaba ng kotse ang kanyang bride ay inabot ni Groom ang kamay ng kanyang bride. Eksaktong alas 11 ng umaga ng mag simula ang seremonya ng kanilang kasal at natapos ito ng mga bandang 12 ng tanghali. Bagamat 30 minuto lang ang kasal ay natagalan ito dahil sa cocktail hour. Pagkatapos ng kanilang kasal ay nagtungo na sila sa kanilang reception area sa isang hotel na malapit din sa kapilya. Dito na sinagawa ang mga programa na ginawa ng kanilang organizer. May pagkakataon na ang magulang,kapatid nila ay napaiyak sa pagbibigay ng mensahe sa mag-asawang si Nald at Wheng kaya nong magsalita na rin ang mag-asawa ay nadala si Nald sa iyakan. Naiyak ito dahil sa kanyang tuwa. Dahil ditto ay hindi nakapag salita si Nald bagkus ang kanyang asawa na lamang ang nagsalita.Nang matapos ang lahat ng programa ay tumuloy pa sila sa bahay ni Wheng sa Baras dahil naghihintay din ang kanilang mga bisita pa doon. Doonay marami ring hinanda ang magulang ni Wheng. Don din sila nakaranas na sumayaw habang sinasabitan ng pera. Don na rin nagpalipas ng gabi ang mag-asawa habang ang mga magulang at kapatid ni Nald at ang mga bisita rin na pumunta don galling Virac ay nag uwian na. Sa unang gabi nilang kasal ay nag enjoy sila.Nagpalipas sila ng ilang araw don at bumalik na ulit sa Virac dahil sa babalik na naman ito sa Laguna dahil si Wheng noon ay nag leave lang sa trabaho ay kailangan na rin pumasok. Si Nald din ay maghahanap ng trabaho.
August 2010 ng kinailangan na nilang bumalik sa Laguna dahil si Wheng ay kailangan ng pumasok sa trabaho. Nang makabalik na sila sa Laguna ay pumasok na agad si Weng sa kanyang trabaho at si Nald aman ay pilit na naghahanap din ng mapapasukan sa Maynila. Ilang linggo rin non bago makahanap ng trabaho si Nald kaya it omuna ang nagiging tao sa bahay. Ipinagluluto niya ang kayang asawa at ipinaglalaba pero minsan din ay natulong ding ang kanyang asawa sa mga gawaing bahay pag ito ay nanbabakante. Bagama’t busy ulit si Wheng sa kanyang trabaho ay nagagawan pa rin niya ng paraaan para magkaroon ng pagkakataon na makasma ang kanyang asawa ng matagal tagal.
Isang araw ng sinabi ni Wheng na siya daw ay di na dinadatnan ng kaya si Nald aman ay napatingin na nakatulala at masyang masaya dahil alam niya na ito ay isa rinse mga dinadasal nila ang magkaroon agad sila ng anak, anak na lalaki. Kaya pinabili si Nald ng kanyang asawa ng isang instrument sa pag-check kung buntis o hindi. Dahil sa mas maigi na ito ay gawin sa umaga kaya nag antay sila hanggang mag-umaga upang malaman nga na buntis siya. At ayon na nga positive ang nagging resulta ng test. Upang makasigurado ay nagkonsulta sila sa pinakamalapit na pagamutan at dito rin nalaman nila totoo nga. Totoo na nagdadalang tao siWheng, kaya lubos na lang ang kailgayahang nararamdaman ni niya lalong lalo na ang kanyang asawa dahil sa wakas ay matutupad na rin ang matagal niyang inaasam ang mapasama na rin siya mga tatay na nakikita niya sa paligid. Dahil ditto ay masyado pang inalagaan ni Nald ang kanyang asawa. Patuloy na nagging matatag ang kanilang pagsasama. Ipinapanalangin din nila noonna sana ang maging anak nila na panganay ay lalaki. Ipinagpapanata nila ito araw-araw at gabi-gabi sa ating panginoong diyos. Kaya noon ay sabik na makita ang kasarian ng kanilang anak at naniniwala din sila na ibibigay ng ating panginoon ang kanila ulit na kahilingan. Ito nga makaraan ang 6 na buwn na pagbubuntis ni Wheng ay nag pa ultrasound sila at dito nalaman nila na lalaki ang magiging anak nila. Sobra ulit na pasalamat nila sa diyos dahil ibinigay niya ang kanilang kahilingan. Kaya masyado pang lalong tumatag ang pagtitiwala nila sa panginoon. Dahil sa alam na nila ang kasarian ng magiging anak nila ay nag-isip na man sila ng magiging pangalan nito. Di pala nabanggit sa una na si Nald ay nakahanap at nataangap na sa trabaho ng September 2010 kaya ito ay nagtatrabaho na rin sa Batangas pero siya ay uwian pa rin araw araw sa inuupahan nilang bahay sa Laguna. Kahit na medyo malayo ay tiniis niya pa ring umuwi dahil sa gusto nitong maalagaan at makita niya parin ang kanyang asawa at ang kanilang magiging anak. Ang mag-asawa rin noon ay abala rin sa pamimili ng mga gamit sa panganganak at gamit na rin ng kanilang magiging anak. Isang buwan bago manganak, si Wheng noon ay binigyan siya ng maternity leave ng kanyang kompanya na pinapasukan. Nakauwi na nga si Wheng sa bahay ng kanilang magulag ng kanyang asawa. Ito ay nanatili don at nag-aantay ng kanyang kapanganakan. Samantala Ang kanyang asawa na si Nald noon ay naiwang nagtatrabaho sa Batangas. Sa panahon din non habang magkahiwalay sila ay nakapag-isip na sila ng final na pangalan ng kanilang magiging anak. Ito ay ang naging pangalan na ng naging anak nila sa kasalukuyan na si Ron Andlei. Isang linggo bago manganak si Wheng ay nagpaalam na rin ang kanyang asawa sa kanyang kompanya. Nakarating na nga din si Nald doon at makalipas ang isang linggo at kailangan na siyang bumalik sa kanyang trabaho sa Batangas ay di pa rin nanganganak ang kanyang asawa. Kinaumagahan ng pabalik nan g Batangas si Nald ay nanakit na ang tiyan ng asawa ng tuloy tuloy kay siya ay di natuloy at muli ay nagpaalam na lang ulit sa kanyang kompanya ng extension ng kanyang leave. Ang pananakit ng tiyan ni Wheng ay nanatili hanggang kinaumagahan kaya ito ay di nakatulog.
April 27, 2011 bandang alas 10:25am ay tuluyan na ngang nailabas ni Wheng ang panganay nilang anak na lalaki. Sa wakas din at nakaraos na rin siya sa siyam na buwan na pagdadala niya dito. Sobrang tuwa at galak ang naramdaman ng mag-asawa nong makita nila ang kanilang unang baby. Ganun din ang kanilang mga magulang. Nanganak pala si Wheng sa ospital doon. Nagpalipas pa sila don ng isang gabi bago umuwi na sa bahay nila.
Araw araw ay nagging masaya ang bahay nila dahil sa anak nila. Ito ay nagpakulay araw araw sa kanilang tahanan. Oo aman ang baby ay nagpapasaya sa bahay at nakakapagtanggal ng pagod kahit sa maghapon ay may ginagawa ka. Tuwang tuwa silang mag-alaga ganun dinang magulang ni Nald. SA kunting panahon na pananatili ulit ni Nald don ay kinailangan niya na ulit bumalik sa Batangas dahil sa kanyang trabaho. Ang kanyang asawa at ang anak nila ay naiwan sa bahay ng mga magulang ni Nald. Si Nald ay halos gusto parati gusto umuwi non dahil gusto niya parati makita ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang anak. Kaya ng magkaroon ito ng pagkakataon ay umuwi ito ilang linggo pa lang ang nakapias ng umalis siya don sa probinsiya nila kahit isang araw lang siyang manatili don ay ok na masilip lang ang kanyang pamilya. Dalawang buwan din bago bumalik si Wheng sa kanyang dating trabaho. Naiwan lang doon ang kanilang anak sa magulang nila. Napag desisyunan ng mag-asawa na don na lang sila kasama ng kanilang anak sa probinsiya manatili at don magtrabaho si Nald. Kaya naisipan nilang iwan ang kani-kanilang dating trabaho. Yong dati pala nilang inuupahang bahay ay iniwan na nila ito dahil sila ay dina nagsasama noon habang sila ay nagtatrabaho. Si Nald ay nanatili sa compsny staff house at si Wheng aman ay nanatili sa inuupahang bahay ng kanyang ka trabaho. Ang huling buwan ng kanilang trabaho ay Agosto 2011.
July 2011 non ng malaman ulit ng mag-asawa na buntis ulit si Wheng. Kaya muli ito ay natuwa at nanalangin, nagpasalamat sa panginoon sa biyaya ulit na ibinigay sa kanila. Bagkus ang anak nila noon ay mag tatlong buwan pa lamang, sila ay nagiging matatag na ito ay mabubuhay nila sa awa ng panginoon. Ipinanalangin din ulit nila araw araw n asana maging malusog at normal na mailuwal. Ipinanalangin din nila na sana sa pagkakataong ito ay maging babae na.
August 2011 ng matapos na ang kanilang palugit sa kanilang kompanya ng pagtratrabaho kaya mga ilang araw din ay umuwi na din sa kanilang probinsiya. Sama-sama na sila don ng kanilang anak at mga magulang nila. Naging masaya sila at payapang namuhay don. Si Nald non ay namasukan na rin sa isang kompanya doon. Subalit dahil sa liit ng sahod at di kaya ang mga pang araw araw na gastusin. Siya ay nag-hanap ulit ng trabaho sa abroad.
January 2012 ang anim na buwan ng pagbubuntis ng magiging pangalawang anak nila. Ito ay ang panahon upang malaman ang kasarian ng nito kaya sila ay pumunta sa klinika upang mag pa ultrasound. Dito nila na confirm na talagang ang diyos ay hindi nagkukulang sa atin kung tayo ay parating tumatawag sa kanya. Ang nagging result kasi ng ultrasound ay positive na babae ang kanilang magiging anak. Kaya tuwang tuwa ulit ang mag-asawa.
Sa di inaasahang pagkakataon sa buwan na yon ay may tumawag sa kanya na isang ahensiya sa Manila na nghahanap ng trabaho sa abroad. Ayaw noon niya sanang umalis ng di pa nanganganak ang kanyang asawa subalit ito ay hinawakan niya na kasi ayaw niya na itong mawala. Kaya siya ay lumuwas ng Maynila para puntahan itong ahensiya na tumawag sa kanya. Dito nga ay na confirm niya na totoo nga na pasok na siya sa isang kompanya sa Saudi Arabia. Kaya ng mapag alaman niya ito ay nagkasundo ang ahensiya at siya na ibigay na sa kanila ang requirement upang ma proseso na ito. Ng matapos ay bumalik ulit si siya sa kanilang probinsiya at ibinalita niya ito na malungkot at masaya sa kanyang asawa.
February 2012, ng muling tinawagan si Nald ng ahensiya sa Maynila at confirm nila ang pag alis nito. Kaya lumuwas ulit siya ng Maynila dala dala niya na ang kanyang gamit. Sobrang lungkot non niya kasi dalawang taon niyang di makikita, at makakasama ang kanyang asawa, anak at magiging anak nila ulit. Subalit pinanindigan na nila ito kahit ito man ay mahirap dahil sa inisip na lang nila ang magiging kinabukasan nila at kanilang mga anak. Kaya ng buwan din na ito ay umalis na si Nald patungong Saudi Arabia para magtrabaho dito. Muli silang nagkahiwalay ng kanyang asawa’t kanilang anak. Kahit magkahiwalay man say patuloy pa rin sila nag communicate upang malaman ang mgasitwasyon nila sa isat isa. Dahil ito lamang ang kanilang paraan upang kahit magkahiwaly man sila ay di pa rin parang magkakasama para din sila ng kanilang pamilya. Kaya dito rin nila nabigyan ng pangalan ang kanilang pangalawang anak na ngayon ay si Lara Andrea (le-ann).
April 24, 2012 sa oras na 12:45am ipinanganak ang kanilangpangalawang anak. Kasama muli ang magulang nila sa hospital ay matiwasay na nailuwal ni Wheng ito. Inantay din ang araw na yon ng kanyang asawa kahit andito na siya sa Saudi. Tuwang tuwa ang kanyang asawa at nagpapasalamat dahil ligtas ang kaniyang mag-ina. Ilang araw din nanatili si Wheng sa ospital dahil kailangan pang gamutin ang kanilang baby dahil sa nakakain daw ito ng tae sa tiyan. Kaya nag-alala rin ulet asawa niya na nasa malayong lugar. Pero di kalaunan ay nagging maayos na din silang dalawang mag-ina at nakauwi na muli sa bahay.
April 27, 2012, ito rin ang unang kaarawan ng anak nilang si Andlei. Matagumpay din itong naidaos at marami din ang bisitang dumating. Malayo man si Nald ay tuwang tuwa din siya dahil dalawa na ang kanilang anghel sa buhay.
Hulyo 2012, patuloy pa rin nilang ipinapanalangin na sana ay muli silang magkasama magpapamilya. Na sana makahana na ng trabaho si Naldna malapit st matugunan ang pangangailangan nila upang di na lumuwas ng ibang bansa para mamasukan don. Sila ngayon ay magkahiwalay pa rin magpapamilya at qng tanging communication lang nila ang telepono at internet. Dito ay naiibsanang lungkot nila sa isa’t isa.
SA TULONG NG PANGINOON AY MAGKAKASAMA RIN SILA MULI SA PAGDATING NG TAKDANG PANAHON DAHIL DI NIYA ITO PABABAYAAN NA HABANG BUHAY SILANG MAGKAKAHIWALY.
Itutuloy………………..